Kayo ba ay naghahanap ng content writer? O ‘di kaya kayo’y may balak na gumawa ng mga dokumentasyon para sa inyong mga proseso o proyekto? Ang Yelosan Publishing ay handang tumulong sa inyo sa bawat hakbang upang makamit ang inyong mga hangarin.

Sino kami

Ang Yelosan Publishing ay isang serbisyo ni Yahuhanan Yukia Sese Cuneta. Siya ay nagtrabaho bilang content officer, ghost writer, at sumulat ng mga press release, noong siya ay namamasukan, maliban sa siya ay isang part-time blogger. Tumulong at pinangunahan niya rin ang iba’t-ibang mga dokumentasyon at pagbuo ng mga online community.

Sa pamamagitan ng Yelosan Publishing, si Yuki ay handa magbigay ng mga iba pang serbisyo tulad sa pag-cover ng mga event at ang pagsasalin ng mga dokumento mula sa Ingles patungo sa Filipino at sa Baybayin. Kanyang hangarin na makapagbigay ng pinakamataas na uri ng serbisyo na bihira matagpuan sa kahit saan.

Mga serbisyo

  1. Content writing
    • Ghost writing
    • Guest writing
    • Press release
  2. Dokumentasyon
    • Dokumentasyon ng mga proseso
    • Dokumentasyon ng proyekto
  3. Coverage ng event o presscon
  4. Pagsasalin
    • Ingles–Filipino | Filipino–Ingles
    • Filipino–Baybayin-Tagalog | Baybayin-Tagalog–Filipino
    • Ingles–Baybayin-Tagalog | Baybayin-Tagalog–Ingles

Mga iba pang serbisyo

  1. Paghahanda ng isang blog/website
    • b2evolution
    • Blogger/Blogspot
    • Tumblr
    • Wordpress (hosted)
    • Wordpress (self-hosted)
  2. Social media management
  3. Community management

Makipag-ugnayan

  • 📧 email:
  • 📱 SMS/Text: